AirAsia Red Hot Piso Sale: Promo Seats from as low as P1



Guys, may AirAsia Red Hot Piso Sale na ulit kaya it's time to plan your next big vacation. 5 million seats ang kasama sa promo mula sa iba't-ibang destination ng AirAsia group. May mga promo seats na makukuha for as low as P1.00 kabilang ang mga flights mula sa Clark, Manila, Iloilo at Cagayan de Oro.

Mactan Island, Cebu | Philippines

Kasama rin sa promo ang mga flights na papunta sa mga international destinations tulad ng Kaohsiung, Bangkok, Shanghai, Shenzhen, Hangzhou, Taipei, Incheon (Seoul), Hong Kong, Macau, Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Guangzhou, Ho Chi Minh, Singapore, Jakarta, Bali at marami pang iba.

Taipei, Taiwan | China

Kung member ka ng AirAsia BIG loyalty program, magkakaroon ka ng priority access sa promotion simula 2 September 2018 (0001h GMT +8) hanggang 9 September 2018 (2400 GMT +8). Pwedeng ma-book ang promo seats via airasia.com at sa AirAsia mobile app. Ang travel period naman ay between 18 February 2019 at 26 November 2019. Kung hindi ka pa member ng AirAsia BIG, mag-register ka na for free. Punta ka lang sa airasia.com at i-click and ‘Sign up’.



Here's some more good news. Naka 20% off din ang seat selection option para sa mga flight na mabu-book mo during the promo. Kung kailangan mo ng mas malaking legroom para sa mas komportableng byahe, piliin mo ang rows 1, 12 o 14. Kung grupo naman kayo, pwede ka namang pumili ng mga magkakatabing upuan para mas masaya sa byahe.

Para sa mga pinakabagong promo, i-follow mo lang ang AirAsia sa Twitter (twitter.com/AirAsia) at sa Facebook (facebook.com/AirAsia).