Wednesday, October 9, 2019

Adobo Nation: Sari-saring Adobo sa Holiday Inn & Suites Makati



Adobo na yata ang pinaka-paboritong ulam ng mga Pilipino kaya nga bawat probinsya ng Pilipinas ay may kanya-kanyang bersyon ng pagluluto ng adobo. Dito sa Makati, mayroong isang restaurant ang nag-o-offer ng iba't-ibang luto ng adobo sa kanilang buffet. Kada araw, mayroon silang anim na putahe ng adobo na inihahanda nila sa buffet. Iniiba-iba nila ang putahe araw-araw, kaya naman halos lahat na yata ng bersyon ng adobo ay matitikman dito.



Kasama sa pagpipilian ang mga nakaugalian nang luto ng adobo tulad ng Adobong Baboy at Manok natin dito sa Maynila. Mayroon din silang Adobo sa Gata ng mga taga Quezon, Adobo sa Dilaw, ng mga taga Batanggas, at Adobong Puti ng mga Kapampangan. Matitikman rin dito ang mga lutong adobo na sinahugan ng mga lamang-dagat tulad ng Adobong Pusit at Adobong Tuna.

Adobo Pasta

Gumawa rin sila ng ilang makabagong bersyon ng adobo tulad ng Adobo Pasta, Adobo PaellaTamales de Adobo, Adobong Manok Piyanggang, Lumpiyang Adobo, at marami pang iba. Hindi niyo dapat palampasing ang kanilang pinagmamalaking dessert na nilahukan ng kaunting paminta at dahon ng laurel. Ito ay ang kanilang katakam-takam na Adobo-inspired Cheesecake.

Lumpiyang Adobo

Kung mahilig ka sa adobo, punta ka na sa Flavors Restaurant na matatagpuan sa Holiday Inn & Suites Makati. Katabi lang ito ng Glorietta 1, sa Ayala Center, Makati. Ang sari-saring adobo ay available araw-araw sa buong buwan ng Oktubre. Maliban sa adobo, marami ring mga international dishes ang mapapagpilian sa buffet tulad ng Japanese, American, Italian at Chinese dishes.

Flavors Restaurant

Narito ang mga Buffet Rates sa Flavors Restaurant:
  • Lunch Buffet (Monday to Saturday) - ₱1,825 net
  • Dinner Buffet (Sunday to Thursday) - ₱1,825 net
  • Dinner Buffet (Friday and Saturday) - ₱2,050 net
  • Sunday Brunch - ₱2,050 net

Mga Discount

Maaari kayong makakuha ng 40% discount kung gagamitin ninyong pambayad ang inyong BDO Credit Card. Maaari rin kayong makakuha ng 30% - 50% discount sa pamamagitan ng Eatigo website o application.




Flavors Restaurant 
Lobby Level, Holiday Inn & Suites Makati, Glorietta 1, Palm Drive, Ayala Center, Makati City
Opening Hours:
Contact: +63 (02) 7909-0888

No comments: